ANG AKING TALAMBUHAY

Ako nga pala si Abdil-aziz M. Dubpilas, 16 taong gulang at ipinanganak noong Pebrero 15,2003 nakatira po ako sa Sultan kudarat kalye Maharlika Nayon Syudad ng Taguig.Ako po’y nag aaral sa Moreh Akademya, baitang 11 strand Humss pangkat Joshua.Pag wala naman pong pasok ay gumagawa ako ng mga takdang aralin,aktibidad,proyekto at iba pang mga pinapagawa ng aking mga guro.Pag wala naman po akong mga Takdang-Aralin o mga gawain ay tumutulong po ako sa aking magulang.Ang aking hilig ay ang pag lalaro ng Mobayl Alamat at ako po’y kathang-isip na kaluwalhatian at ang pinaka mataas kong na abot na bituwin ay 91. Ang aking pangarap ay makapagtapos ng pag-aaral para sa aking kinabukasan ng sa gayon ay magkaroon ako ng magandang trabaho para sa hinaharap ng aking pamilya.Pangarap ko rin na yumaman at gagamitin ko ito sa kabutihan lamang at hindi sa kasamaan o kayabangan, gusto ko rin suklian ang mga paghihirap ng aking magulang dahil sa walang sawang pag suporta sa aking pag aaral.Hanggang dito na lamang po at marami pong salamat.

Published by Abdaily’s blog

It’s not about me! It’s all about you!

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started